Abenida Boni

Abenida Boni
Boni Avenue
Abenida Boni sa silangan ng Maysilo Circle.
Impormasyon sa ruta
Haba3.1 km (1.9 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa kanluranKalye Aglipay sa Población
 
  • Kalye Primo Cruz
  • Abenida F. Martinez/Kalye San Francisco
  • Barangka Drive
Dulo sa silangan N1 / AH26 (Abenida Epifanio de los Santos) sa Barangka Ilaya
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
Preview warning: Page using Template:Infobox road with unknown parameter "location"

Ang Abenida Boni (Ingles: Boni Avenue) ay isang pangunahing lansangan sa Mandaluyong, silangang Kalakhang Maynila, Pilipinas, na dumadaan mula Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) sa Baranggay Barangka Ilaya sa silangan hanggang Kalye Aglipay sa Baranggay Poblacion (kabayanan ng Mandaluyong). Ang haba nito ay 3.1 (1.9 milya), at hinahati ito sa anim na linya (tatlo sa bawat direksyon) na may pangitnang harangan upang ihiwalay ang magkabilang daloy ng trapiko. Paglampas ng EDSA sa silangan (sa pamamagitan ng Tunel ng EDSA-Boni), tutuloy ang daan bilang Kalye Pioneer patungong Pasig.

Pinangalanan ang abenida sa palayaw ni Bonifacio Javier, isang pinuno ng gerilya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na binigyan ng mga parangal at alkalde ng Mandaluyong noong itinayo ang daan.[1]

  1. "Some Mandaluyong residents disown ex-mayor Abalos". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-31. Nakuha noong 31 Oktubre 2013.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne