Abenida Katipunan Katipunan Avenue | |
---|---|
![]() | |
Impormasyon sa ruta | |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | Sangandaan ng mga Abenidang Valerie at Magsaysay sa Lungsod Quezon |
| |
Dulo sa timog | Abenida White Plains sa Lungsod Quezon |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Abenida Katipunan (Ingles: Katipunan Avenue) ay isang pangunahing abenida sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito sa direksyong mula hilaga-patimog, mula Abenida Magsaysay sa paligid ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman sa hilaga hanggang Abenida White Plains sa timog. Isa itong pambansang daan ng Pilipinas,[1] kung saan bahagi ito ng Daang Palibot Blg. 5 (o C-5) sa pagitan ng Abenida Tandang Sora at Abenida Bonny Serrano.
May tatlong linya (sa bawat direksyon) ang malaking bahagi ng Abenida Katipunan, at lalapad ito sa apat sa mga piling bahagi.[2] Kikipot naman ito sa dalawa sa loob ng mga barangay ng White Plains at Saint Ignatius.
Ang abenida ay may pangkaraniwang katangian na mabigat na trapiko ng mga sasakyan, at hinahatian ito sa gitna ng mga panggitnang harangan (traffic islands) para sa kaginhawahan ng mga taong naglalakad.[3] Noong 2005, nilista ng Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) ang paligid ng abenida malapit sa Pamantasang Ateneo de Manila bilang isa sa labing-apat na mga pinaka-mapanganib na lugar dahil sa trapiko sa Kamaynilaan.[4]
Sa abenidang ito matatagpuan ang ilan sa mga kilalang institusyong akademiko sa bansa, tulad ng Pamantasang Ateneo de Manila, Kolehiyo ng Miriam, at Unibersidad ng Pilipinas, Diliman.[3] Dito rin matatagpuan ang mga pasilidad ng Manila Water sa loob ng Balara Filters Park. Matatagpuan malapit sa sangandaan nito sa Bulebar Aurora ang Estasyong Katipunan. Ito ang katangi-tanging estasyon ng Linya 2 na matatagpuan sa ilalim ng lupa.[5]
{{cite news}}
: no-break space character in |title=
at position 53 (tulong)