Abenida Quirino Quirino Avenue | |
---|---|
![]() Tanawin ng Abenida Quirino sa Malate mula sa Estasyong Quirino ng LRT. | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 3.6 km (2.2 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | ![]() |
| |
Dulo sa timog | ![]() ![]() |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Maynila |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Abenida Quirino (Ingles: Quirino Avenue), na kilala rin sa pormal na ngalan nito na Abenida Pangulong Elpidio Quirino (President Elpidio Quirino Avenue), ay isang lansangang panlungsod sa Maynila, Pilipinas, na nahahati ng pangitnang harangan at may anim hanggang sampung linya. Dumadaan ito sa direksyong hilagang-silangan pa-timog-kanluran, mula Tulay ng Mabini (dating Tulay ng Nagtahan) sa hilaga hanggang Bulebar Roxas sa Malate. Dumadaan ito sa mga distrito ng Pandacan at Paco. Ang haba nito ay 3.6 kilometro (2.2 milya). Itinakda ito bilang bahagi ng Daang Palibot Blg. 2 ng sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan at N140 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.