Abenida Andrews Andrews Avenue | |
---|---|
Daang Nichols (Nichols Road) | |
![]() Abenida Andrews, pakanluran sa Newport City kasama ang NAIA Expressway. | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 4.3 km (2.7 mi) |
Bahagi ng | ![]() |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | ![]() |
Dulo sa silangan | ![]() ![]() |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Abenida Andrews (Ingles: Andrews Avenue) ay isang pangunahing lansangang silangan-pakanluran sa katimugang Kalakhang Maynila, Pilipinas, na nagsisilbing tagaugnay ng mga lungsod ng Pasay at Taguig.[1] Ang haba nito ay 4.3 kilometro (o 2.7 milya). Dumadaan ito sa ilalim ng NAIA Expressway na halos kalinya ng Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) sa hilaga at kumokonekta ng Bulebar Roxas at Daang Domestiko malapit sa Bay City sa South Luzon Expressway (SLEx) malapit sa Newport City. Paglampas ng SLEx sa silangan, tutuloy ito patungong Ika-5 Abenida at Daang McKinley sa Bonifacio Global City bilang Abenida Lawton.
Nagsisilbi ring pangunahing daluyan ng trapiko patungong Paliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino (NAIA) ang Abenida Andrews, mula silangan at kanluran, at pangunahing daan patungong Resorts World Manila.