Abenida Commonwealth



Abenida Commonwealth
Commonwealth Avenue
Abenida ng Don Mariano Marcos
Don Mariano Marcos Avenue
Ruta ng Abenida Commonwealth sa Kalakhang Maynila.
Abenida Commonwealth sa may Don Mariano, Matandang Balara, Lungsod Quezon
Impormasyon sa ruta
Haba12.4 km (7.7 mi)
Bahagi ng
Pangunahing daanan
Dulo sa timogQuezon Memorial Circle, Daang Elipso
 
Dulo sa hilaga N127 (Lansangang Quirino)
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas

Ang Abenida ng Commonwealth (Ingles: Commonwealth Avenue), na dating kilala bilang Abenida ng Don Mariano Marcos (Don Mariano Marcos Avenue) at maaaring tawaging Abenida Komonwelt, ay isang pangunahing lansangan sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas. Nagsisimula ito sa Quezon Memorial Circle sa may Daang Elipso, Diliman, Lungsod Quezon, at dumadaan ito sa mga pook ng Philcoa, Tandang Sora, Balara, Batasan Hills, at Fairview. Nagtatapos ito sa Lansangang Quirino sa Novaliches, Lungsod Quezon. Ito ay may anim hanggang labing-walong linya, at ito ang pinakamalawak na lansangan sa Pilipinas.

Isa itong bahagi ng Daang Radyal Blg. 7 (R-7) ng lumang sistema ng pamilang sa mga lansangan sa Kamaynilaan at N170 ng sistemang lansangang bayan ng Pilipinas ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH).

Bilang isang abenida sa Lungsod Quezon na nakatala bilang isa sa mga lungsod sa Kamaynilaan na may mataas na pagkalaganap ng mga sakuna sa daan, ang Abenida Commonwealth ay may mataas na bilang ng mga sakuna, lalo na yaong mga may kaugnayan sa overspeeding, at nakuha nito ang kalait-lait na palayaw na "Killer Highway". Ipinatupad ang 60 km/h (37 mph) na takdang tulin upang mabawasan ang mataas na bilang ng mga sakuna sa abenida.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne