Abenida Governor Pascual Governor Pascual Avenue | |
---|---|
Daang Concepcion–Potrero (Concepcion–Potrero Road) | |
Abenida Governor Pascual sa kanluran ng Kalye Marcelo H. del Pilar sa kahabaan ng hangganang Tinajeros-Tugatog | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 4.4 km (2.8 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | Kalye Heneral Luna sa Concepcion at Baritan |
| |
Dulo sa silangan | ![]() ![]() |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Malabon |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Abenida Governor Wenceslao Pascual (Governor Wenceslao Pascual Avenue), na karaniwang kilala sa payak na katawagang Abenida Governor Pascual (Governor Pascual Avenue), ay isang pangunahing silangan-pakanlurang daang arterya sa lungsod ng Malabon sa Kalakhang Maynila. Isa itong hindi nakamarkang ruta sa sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas at ibinukod ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) bilang isang pambansang daang tersiyaryo.[1] Ang pandalawahang abenida na may habang 4.43 kilometro (2.75 milya) ay ang pinakamahaba sa mga pambansang lansangan ng lungsod.[2] Mahilig sa pagbaha ang ilang mga bahagi nito mula sa Ilog Tullahan na dumadaloy sa hilaga ng abenida sa gitna-silangang Malabon.[3]