Abenida Gregorio Araneta (Gregorio Araneta Avenue) | |
---|---|
![]() Abenida Gregorio Araneta, kasama ang itinatayong Ikatlong Yugto ng Skyway, noong Setyembre 2019 | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 5.3 km (3.3 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | ![]() |
| |
Dulo sa timog | Kalye Nicanor Domingo sa San Juan |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | Lungsod Quezon, San Juan |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Abenida Gregorio Araneta (Ingles: Gregorio Araneta Avenue) ay isang daang arteryal pang-naik sa ligid ng Santa Mesa Heights sa Lungsod Quezon, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Isa itong pangunahing abenida na may 6–8 linya at pangitnang harangan na itinakda bilang bahagi ng Daang Palibot Blg. 3. Dumadaan ito mula Abenida Sarhento Rivera sa hilaga hanggang Kalye Nicanor Domingo sa San Juan sa timog. Bumabagtas ito sa Abenida Del Monte, Abenida Quezon, Abenida Eulogio Rodriguez Sr., at Bulebar Magsaysay-Aurora pagdaan nito. Tumatakbo sa gitna ng abenida ang isang daluyan ng tubig na gawa ng tao, na tumitigil ng ilang sandali sa sangandaan nito sa Abenida Del Monte at tutuloy muli hanggang sa matapos ito ng tuluyan bago pa mag-Abenida Quezon. Ang haba ng Abenida Araneta ay 5.3 kilometro (3.3 milya).
Matatagpuan ang abenida sa isang sonang bahain na malapit sa mga Ilog ng San Francisco del Monte at San Juan sa silangan nito. Madalas na bumabaha rito (kahit na may daluyan ng tubig ang abenida) tuwing tag-ulan, kung kailan umaapaw ang mga nasabing anyong tubig.
Sa hinaharap, daraan ang Ikatlong Yugto ng Skyway sa halos kabuoang bahagi ng daan, mula sa Abenida Sarhento Rivera hanggang sa Ilog San Juan. Bunga ng proyektong Ikatlong Yugto ng Skyway, ang ilang bahagi ng daluyan ng tubig sa gitna ng abenida ay gagawing nakasarang alkantarilya[note 1] at magiging bahagi ng madadaanang daanan.
Maling banggit (May <ref>
tag na ang grupong "note", pero walang nakitang <references group="note"/>
tag para rito); $2