Abenida Kongresyonal Congressional Avenue | |
---|---|
Daang Palibot Blg. 5 | |
![]() Abenida Kongresyonal malapit sa EDSA. | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 6.0 km (3.7 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | ![]() ![]() |
| |
Dulo sa silangan | Abenida Luzon |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Abenida Kongresyonal (Ingles: Congressional Avenue) ay isang 12.4 kilometro (7.7 milyang) lansangan na matatagpuan sa Lungsod Quezon, Pilipinas, na sumasaklaw sa anim na mga linya. Isa ito sa mga daang sekundarya sa Kalakhang Maynila at itinakdang bahagi ng Daang Palibot Blg. 5 (C-5) ng sistemang daang arteryal ng Kamaynilaan at N129 ng sistema ng pambansang lansangan ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan.
Nagsisimula ang Abenida Kongresyonal sa sangandaan nito sa EDSA bilang hilagang karugtong ng Abenida Roosevelt, at dadaan ito sa ilan sa mga Project Areas ng lungsod, sa Abenida Tandang Sora, at tatapos sa Abenida Luzon sa pook ng Matandang Balara (Old Balara).
Bilang isang lansangan ng Lungsod Quezon, ang Abenida Kongresyonal ay isa sa mga umuusbong na mga destinasyon pang-pagkain sa lungsod dahil sa kadahilanan na karamihan sa mga establisimiyentong pang-pagkain tulad ng mga foodpark ay nagtatayo ng mga tindahan lalo na sa bahaging karigtong ng abenida.