Abenida Makati

Abenida Makati
Makati Avenue
Tanawin ng Abenida Makati pahilaga patungong Abenida Ayala at Paseo de Roxas.
Impormasyon sa ruta
Haba2.3 km (1.4 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa hilagaTulay ng Makati-Mandaluyong sa Poblacion
 
Dulo sa timogAbenida Arnaiz sa San Lorenzo Village
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
Preview warning: Page using Template:Infobox road with unknown parameter "location"

Ang Abenida Makati (Ingles: Makati Avenue) ay ang pangunahing lansangang komersyal sa Makati, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Bumubuo ito sa silangang hangganan ng Ayala Triangle at isa ito sa mga tatlong pangunahing abenida ng Makati Central Business District o CBD. Dumadaan ito sa direksyong hilaga-patimog na mukhang patagilid at halos kalinya sa EDSA. Dumadaan ito sa dalawang magkaibang distrito sa lungsod: ang Makati CBD at ang lumang Makati Población (kabayanan ng lungsod). Ang haba nito ay 2.3 kilometro (1.4 milya), at ang mga linya nito ay maaaring dalawa (sa kabayanan) o tatlo-apat na linya (sa ligid ng CBD). Mayroon itong maikling tagapagpatuloy patungong San Lorenzo Village bilang Kalye San Lorenzo (San Lorenzo Drive).

Sa hilagang dulo nito matatagpuan ang lumang bahagi ng Makati na nagsisimula sa Tulay Makati-Mandaluyong at Abenida J.P. Rizal. Tutuloy ito sa kabayanan ng lungsod hanggang sa Abenida Gil Puyat na nagtatakda sa katimugang dulo ng lumang distrito. Sa timog ng Gil Puyat patungong Makati CBD, nagiging mas-komersyal at mas-pang-mayaman ang anyo ng abenida. Kapwa matatagpuan sa katimugang dulo ang Sentrong Ayala at Abenida Arnaiz.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne