Abenida Ortigas Ortigas Avenue | |
---|---|
Abenida Ortigas pakanluran patungong Lundayang Ortigas mula IPI. | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 15.5 km (9.6 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | Kalye Granada at Daang Santolan sa San Juan |
| |
Dulo sa silangan | ![]() |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | San Juan, Mandaluyong, Lungsod Quezon at Pasig sa Kalakhang Maynila, at Antipolo sa Rizal |
Mga bayan | Cainta at Taytay in Rizal |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Abenida Ortigas (Ingles: Ortigas Avenue) ay isang lansangang may haba na 15.5 kilometro (9.6 milya) at bumabagtas sa silangang bahagi ng Kalakhang Maynila at kanlurang bahagi ng lalawigan ng Rizal. Isa ito sa mga pinakaabalang lansangan sa Kamaynilaan, na may mas-maraming trapiko kaysa ng EDSA. Binabagtas nito ang Lundayang Ortigas sa mga lungsod ng Mandaluyong, Lungsod Quezon, at Pasig.
Ang kanlurang dulo nito ay sa sangandaan nito sa Daang Santolan sa Lungsod ng San Juan, at ang silangang dulo nito ay sa L. Sumulong Memorial Circle sa Antipolo, Rizal. Ang bahagi ng abenida mula Palitan ng Daang Palibot Blg. 5–Abenida Ortigas hanggang Antipolo ay tinaguriang Karugtong ng Abenida Ortigas (Ortigas Avenue Extension). Paglampas ng Daang Santolan, tutuloy ang Abenida Ortigas bilang Kalye Granada na magiging Abenida Gilmore ilang sandali bago tumbukin nito ang Bulebar Aurora upang makapasok sa New Manila, Lungsod Quezon.
Ang bahagi ng Abenida Ortigas mula Abenida Eulogio Rodriguez Jr. (C-5) sa Ugong, Pasig, hanggang sa Taytay Diversion Road sa Taytay ay itinakdang bahagi ng Daang Radyal Blg. 5 (R-5). Ang pangunahing bahagi ng abenida mula EDSA hanggang L. Sumulong Memorial Circle sa Antipolo ay isang bahagi ng N60 ng sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas. Sa kabilang banda, ang bahagi ng abenida mula EDSA hanggang Daang Santolan ay itinalagang bahagi ng N184 ng nasabing sistema.