Abenida Recto Recto Avenue | |
---|---|
![]() Ang ruta ng Abenida Recto sa Kalakhang Maynila. Nakapula ito sa mapa. | |
![]() Abenida Recto pakanluran mula sa daang pang-ibabaw ng Abenida Abad Santos. | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 3.2 km (2.0 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa kanluran | ![]() |
Dulo sa silangan | ![]() |
Lokasyon | |
Mga distrito | Binondo, Quiapo, Sampaloc, San Nicolas, Santa Cruz, Tondo |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ang Abenida Claro M. Recto (Ingles: Claro M. Recto Avenue), na mas-kilala bilang Abenida Recto, ay ang pangunahing lansangang pang-komersyo sa gitnang-hilagang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito sa pitong distrito sa hilaga ng Ilog Pasig sa tinuringang lumang sentro ng Maynila sa nakararami. May haba itong 3.2 kilometro (2.0 milya). Nagsisimula ito sa Daang Marcos (ng Daang Radyal Blg. 10 o R-10) sa hanggannan ng Tondo at San Nicolas sa kanluran (malapit sa Manila North Harbor) at nagtatapos ito sa sangandaan ng Kalye Legarda at Kalye Mendiola sa hangganan ng Quiapo at Sampaloc sa silangan. Dumadaan ito sa pook-pamilihan ng Divisoria sa Binondo at sa katimugang paligid ng University Belt sa Quiapo at Sampaloc.
Dumadaan sa ibabaw ng Abenida Recto ang Linya 2, at matatagpuan rin dito ang Estasyong Recto ng nabanggit na linya. Ang kabuuan ng abenida ay bahagi ng Daang Palibot Blg. 1 (C-1) ng Kamaynilaan.
May maikling karugtong ang Abenida Recto patungong distrito ng San Miguel at nakatarangkahang kompuwesto ng Palasyo ng Malakanyang bilang Kalye Mendiola.