Abenida Timog


Abenida Timog
Timog Avenue
South Avenue
Abenida Timog, pakanluran malapit sa sangandaan nito sa Kalye Scout Tuason.
Impormasyon sa ruta
Haba2.0 km (1.2 mi)
Pangunahing daanan
Dulo sa silangan N1 / AH26 (EDSA) / N174 (Abenida East) sa Barangay Pinyahan
 Abenida Tomas Morato
Abenida Mother Ignacia
Dulo sa kanluran N170 (Abenida Quezon) / N171 (Abenida West sa Barangay West Triangle)
Lokasyon
Mga pangunahing lungsodLungsod Quezon
Sistema ng mga daan
Mga daanan sa Pilipinas
N171N173

Ang Abenida Timog (Ingles: Timog Avenue) ay isang pangunahing pang-apatan na abenida sa Lungsod Quezon na may haba na 2 kilometro (1 milya). Matatagpuan ito sa distrito ng Diliman sa hilaga-silangang Kalakhang Maynila, Pilipinas. Dumadaan ito mula silangan pa-kanluran sa katimugang gilid ng Barangay South Triangle, mula sa sangandaan ng EDSA hanggang Abenida Quezon. Binabagtas nito ang Abenida Tomas Morato sa kalagitnaan nito, kung saan makikita ang 11th World Scout Jamboree Memorial Rotonda. Matatagpuan ito sa lugar panlibangan ng Lungsod Quezon, at kilala ito sa mga restoran, bar, klab pang-karaoke, at klab pang-komedya.[1] Sa sangandaan ng Abenida Timog at EDSA matatagpuan ang mga himpilan at istudyo ng GMA Network Center.

Itinakda ang Abenida Timog bilang N172 ng pambansang sistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.

  1. "Business brings more fun in Quezon City". Quezon City Business. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-18. Nakuha noong 16 Mayo 2015.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne