Abestrus | |
---|---|
Lalaking abestrus (Struthio camelus) | |
Katayuan ng pagpapanatili | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | Struthionidae Vigors, 1825
|
Sari: | Struthio Linnaeus, 1758
|
Espesye: | S. camelus
|
Pangalang binomial | |
Struthio camelus Carolus Linnaeus, 1758
| |
Sub-uri | |
Tingnan ang teksto | |
![]() | |
Ang distribusyon ng mga abestrus ngayon |
Ang ostrits, abestrus, o Struthio camelus (Ingles: ostrich)[2][3] ay isang ibong hindi nakakalipad na katutubo ng Aprika. Ito lamang ang nabubuhay na uri ng kanyang mag-anak o pamilyang Struthionidae, at ng saring Struthio. Kakaiba ang kaanyuhan nito, na mayroong mahabang leeg at binti, at nakakatakbo ito sa bilis na 65 km/h (40 mph).
Pinakamalaking nabubuhay na ibon ang mga abestrus at inaalagaan sa maraming sakahan sa buong mundo. Ang pangalang pang-agham ng abestrus ay galing sa salitang Griyego para sa "kamelyong maya" dahil sa mahabang leeg nito.[4]