Ang agham panlipunan o ulnayan (Aleman: Sozialwissenschaft; Kastila, Portuges: ciencias sociales; Ingles: social sciences) ay isang pangkat ng mga disiplinang akademiko na pinag-aaralan ang mga aspekto ng tao sa mundo. Lumalayo ang mga ito mula sa mga sining at humanidades at sa halip, nagbibigay-diin sa paggamit ng kaparaanang agham at mahigpit na mga pamantayan ng ebidensiya sa pag-aaral ng sangkatauhan, kabilang ang mga kaparaanang kaparaanang nabibilang at kaparaanang pangkatangian.
Tinutukoy minsan bilang mga malalambot na agham ang mga agham panlipunan, sa pag-aaral ng parehong inter-subhektibo at obhektibo o aspetong kayarian ng lipunan. Salungat ito sa mga matitigas na agham na maaaring eksklusibong nakatuon sa obhektibong aspeto ng kalikasan.
Sumasangkot ang mga dalubhasa sa agham panlipunan sa pagsasaliksik at pag-teoriya tungkol sa parehong pinagsama at indibidwal na mga asal.