Ang Aklat ng mga Kawikaan[1] ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Ito ang pinakamagandang katipunan ng mga salawikain sa Lumang Tipan, na isinulat ng patula at naglalaman ng mga magagandang aral at mga banal na pagpapatotoo hinggil sa karunungan, kapangyarihan, lakas, kabutihan, at pagkalinga ng Diyos sa taong umaasa sa kaniya. Ibinatay ang buong pangaral ng aklat na ito sa paniniwalang "Ang pagkatakot sa Panginoon ang simula ng Karunungan"[1] o "Upang magkaroon ng kaalaman, unahin ang paggalang sa Panginoon."[2]