Aklat ni Habacuc

Lumang Tipan ng Bibliya

Ang Aklat ni Habacuc[1][2], Aklat ni Habakkuk[3], o Aklat ni Habakuk[4] ay isang aklat na isinulat ng mga propeta na nasa Lumang Tipan ng Bibliya. Isinulat ito ng propetang si Habakuk. Sinasabing nilalaan ang aklat na ito para sa mga taong may katanungan kung nakikinig ba ang Diyos sa mga panalangin.[5] Katulad ng Aklat ng mga Salmo, ginagamit ito ng mga Hudyo para sa kanilang mga pagdiriwang na pampananampalataya.[1]

Si Habakuk, ang propeta.
  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Habacuc". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
  2. "Aklat ni Habacuc". Ang Biblia/Bagong Magandang Balita Biblia (Lumang Tipan, Deuterocanonico at Bagong Tipan). Philippine Bible Society, Lungsod ng Batangas, Pilipinas. 2008.
  3. Long, Dolores; Long, Richard (1905). "Habakkuk". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com.
  4. Binawasan ng isang k para umayon sa palabaybayang Tagalog; mula sa pinagmulang Habakkuk
  5. Long, Dolores; Long, Richard (1905). "Habacuc". Ang Dating Biblia (Ang Biblia/Ang Biblia Tagalog), wika: Tagalog/Pambansang Wika ng Pilipinas, nasa dominyong publiko. Online Bible, Byblos.com.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne