Ang Aklat ni Job[1][2][3] (Hebreo: איוב) ay isang aklat sa Lumang Tipan ng Bibliya. Tungkol ito sa isang lalaking nagngangalang Job at mula sa Edom.[1] Tinawag ang aklat na ito bilang "pinakamalalim at pinakamakapampanitikang gawa sa kabuoan ng Lumang Tipan."[4] Ilan ang mga bahagi ng Aklat ni Job sa mga sinaunang pagtatangka o pagsubok na mailarawan ang suliranin hinggil sa kasamaan, partikular na ang pagtunghay sa pagkakaroon ng kasamaan o paghihirap sa mundo at ang pagkakaroon ng Diyos.