Alejandro ang Dakila | |
---|---|
Basileus ng Macedon, Hegemon ng Ligang Heleniko Hellenic League, Shahanshah ng Persia, Paraon ng Sinaunang Ehipto, Panginoon ng Asia
| |
![]() | |
Si Alejandro na nakikipaglaban sa haring Persa (Persian) na si Dario III. Mula sa Alexander Mosaic, Naples National Archaeological Museum | |
Panahon | 336–323 BCE |
Sinundan | Felipe II |
Sumunod | Alexander IV Philip III |
Panahon | 332–323 BCE |
Sinundan | Darius III |
Sumunod | Alexander IV Felipe III |
Panahon | 330–323 BCE |
Sinundan | Dario III |
Sumunod | Alexander IV Felipe III |
Panahon | 331–323 BCE |
Sinundan | New office |
Sumunod | Alexander IV Philip III |
Asawa | Roxana of Bactria Stateira II ng Persia Parysatis II of Persia |
Anak | Alejandro IV |
Buong pangalan | |
Alejandro III ng Macedon | |
Dynasty | Dinastiyang Argead |
Ama | Felipe II ng Macedon |
Ina | Olympias ng Epirus |
Kapanganakan | 20 o 21 Hulyo 356 BCE Pella, Macedon |
Kamatayan | 10 o 11 Hunyo 323 BCE (edad 32) Babilonya |
Pananampalataya | Politeismong Griyego |
Si Alejandro III ng Macedon (20/21 Hulyo 356 – 10/11 Hunyo 323 BCE) na kilala bilang Alejandrong Dakila o Dakilang Alejandro (Griyego: Ἀλέξανδρος ὁ Μέγας, Aléxandros ho Mégasiii[›] galing sa Griyegong ἀλέξω alexo "ipagtanggol, tulungan" + ἀνήρ aner "man") ang hari ng Macedon na isang estado ng hilagaang Sinaunang Gresya. Ipinanganak siya sa Pella noong 356 BCE. Siya ay inaralan ni Aristoteles hanggang sa edad na 16. Sa edad na 30, nilikha niya ang isa sa pinakamalaking imperyo sa sinaunang daigdig na sumasaklaw mula sa Dagat Ionian hanggang sa mga Himalaya.[1] Hindi siya natalo sa digmaan at itinuturing sa kasaysayan na isa sa mga pinakamatagumpay na mga komander.[2]
Hinalinhan sa trono ni Alejandro ang kanyang amang si Felipe II ng Macedon noong 336 BCE pagkatapos paslangin si Felipe II. Sa kamatayan ni Felipe, namana ni Alejandro ang isang malakas na kaharian at hukbo na bihasa. Ginawaran siya ng pagkaheneral ng Gresya at gumamit sa kapangyarihang ito upang ilusan ang mga planong pagpapalawig na pang-hukbo ng kanyang ama. Noong 334 BCE, sinakop niya ang pinamunuan ng Persia na Asya Menor at nagpasimula ng mga sunod-sunod pakikidigma na tumagal ng 10 taon. Binali ni Alejandro ang kapangyarihan ng Persia sa sunod-sunod na pagwawagi sa pakikipagdigmaan na kabilang sa mga yaon yaong Labanan sa Issus at Labanan sa Gaugamela. Kalaunan ay pinatalsik niya ang haring Persa (Persian) na si Dario III at sinakop ang kabuuan ng Imperyong Akemenida. Sa puntong iyon, ang kanyang imperyo ay sumaklaw mula sa dagat Adriatiko hanggang sa Ilog Indus. Sa paghahangad niyang maabot ang "mga dulo ng mundo at ang dakilang panlabas na dagat" ay sinakop niya ang India noong 326 BCE ngunit kalaunan ay napaurong sa paghiling ng kanyang mga hukbo. Namatay si Alejandro sa Babilonya sa edad na 32 noong 323 BCE nang hindi nagsagawa ng sunod-sunod na planadong mga pakikidigma na nagsimula sa kanyang pananakop ng Arabia. Sa mga sumunod na taon pagkatapos ng kamatayan niya'y nabahagi ang kaniyang imperyo dahil sa sunod-sunod na digmaang sibil na nauwi sa ilang mga estadong pinamunuan ng Diadochi na mga natitirang heneral ni Alejandro at mga tagapagmana. Ang kaniyang pamana ay kinabibilangan ang pagkalat ng kultura na dinulot ng kaniyang mga pananakop . Kaniyang itinatag ang mga 20 siyudad na ipinangalan sa kanya na ang pinakakilala ay ang Alehandriya sa Ehipto. Ang pagtira ng ng mga kolonistang Griyego ni Alejandro at ang nagresultang pagkalat ng kulturang Griyego sa silangan ay nagresulta sa isang bagong kabihasnang Helenistiko na ang mga aspeto ay umiiral pa rin sa mga tradisyon ng Imperyong Bizantino noong gitnang ika-15 siglo CE. Si Alejandro ay naging maalamat bilang isang klasikong bayani sa molde ni Achilles. Siya ay prominente sa kasaysayan at mitong Griyego at mga kulturang hindi Griyego. Naging sukatan siya na pinaghahambingan sa sarili ng mga pinunong militar at ang mga akademiyang militar sa buong mundo ay nagtuturo pa rin ng mga taktika niya. [3]ii[›]