Republikang Pederal ng Alemanya Bundesrepublik Deutschland (Aleman)
| |
---|---|
Salawikain: Einigkeit und Recht und Freiheit "Pagkakaisa at Katarungan at Kalayaan" | |
Kabisera at pinakamalaking lungsod | Berlin 52°31′N 13°23′E / 52.517°N 13.383°E |
Wikang opisyal | Aleman |
Katawagan | Aleman Hermano |
Pamahalaan | Parlamentaryong republikang pederal |
• Pangulo | Frank-Walter Steinmeier |
Olaf Scholz | |
Lehislatura | Konsehong Pederal Diyetang Pederal |
Makabagong Kasaysayan | |
18 Enero 1871 | |
11 Agosto 1919 | |
30 Enero 1933 | |
23 Mayo 1949 | |
7 Oktubre 1949 | |
3 Oktubre 1990 | |
Lawak | |
• Kabuuan | 357,022 km2 (137,847 mi kuw) (ika-63) |
• Katubigan (%) | 1.27 |
Populasyon | |
• Pagtataya sa 2023 | Padron:Increase neutral 84,607,016 (ika-19) |
• Densidad | 232/km2 (600.9/mi kuw) (ika-58) |
KDP (PLP) | Pagtataya sa 2021 |
• Kabuuan | $4.743 trilyon (ika-5) |
• Bawat kapita | $56,956 (ika-15) |
KDP (nominal) | Pagtataya sa 2021 |
• Kabuuan | $4.319 trilyon (ika-4) |
• Bawat kapita | $51,860 (ika-15) |
Gini (2019) | 29.7 mababa |
TKP (2019) | 0.947 napakataas · ika-6 |
Salapi | Euro (€) (EUR) |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong pantelepono | +49 |
Internet TLD | .de |
Ang Alemanya (Aleman: Deutschland), opisyal na Republikang Pederal ng Alemanya, ay bansang matatagpuan sa Gitnang Europa. Pinapaligiran ito ng Dinamarka, Dagat Hilaga, at Dagat Baltiko sa hilaga; Pransiya, Luksemburgo, Belhika, at Nederlandiya sa kanluran; Austria at Suwisa sa timog; at Polonya at Tsekya sa silangan. Nagbabahagi rin ito ng hangganang maritimo sa Suwesya. Sumasaklaw ang bansa ng 375,600 km2 at tinatahanan ng higit 82 milyong mamamayan, sa gayo'y ikalawang pinakamataong bansa sa kontinente. Ang kabisera at pinakamataong lungsod nito ay Berlin.
Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig at Himagsikang Nobyembre, sa semi-presidensyal na Republikang Weimar. Dumulot ang pag-angat ng kapangyarihan ng Partido Nazi sa pagtatatag ng totalitaryong diktadura, na humantong sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at Holokausto.
Pagkatapos ng Estados Unidos, ang Alemanya ay ang pangalawang pinakasikat na destinasyon paglipat sa mundo.[1]
Sa kabuuan ng kaniyang kasaysayan, ang Alemanya ay naging bahagi ng iba't ibang estado. Isang maliit na lugar na kung tawagin ay Germania (wikang Latin) ang tinirahan ng mga taong Hermaniko noong mga 100 AD.
Ito ay nabuo lámang bílang estado mula 1871 hanggang 1945 (74 taon), at muli na namang nahati pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa dalawa: Republikang Pederal ng Alemanya na nakilala bílang Kanlurang Alemanya at Demokratikong Republika ng Alemanya na nakilala naman bilang Silangang Alemanya. Noong 3 Oktubre 1990, bumagsak ang Silangang Alemanya sa Kanlurang Alemanya at muling nabuo ang bansa. Ang Berlin ang kabisera at ang pinakaimportanteng lungsod.