Ang Allah (/ˈælə,_ˈɑːlə,_əˈlɑː/;[1][2]Arabe: ١ّللَه, romanisado: Allāh, IPA: [ʔaɫ.ɫaːh](listen)) ay ang salitang Arabe para sa Diyos ng relihiyong Abrahamiko. Sa wikang Ingles, pangkalahatang tumutukoy ang salita sa Diyos ng Islam.[3][4][5] Inisip na hinango ang salita sa pamamagitan ng pagpapaikli ng al-ilāh, na nangangahulugang "ang diyos," at sa lingguwistika, may kaugnayan ito sa El (Elohim) at Elah, ang Ebreo at Aramaikong mga salita para sa Diyos.[6][7]
Ginagamit ang salitang Allah ng mga mga Arabe na may iba't ibang relihiyon simula pa noong bago ang panahong Islamiko.[8] Mas partikular, ginagammit ito bilang isang katawagan para sa Diyos ng mga Muslim (parehong Arabe at di-Arabe) at Kristiyanong Arabe.[9] Ginagamit ito kadalasan, kahit na hindi ekslusibo, sa ganitong paraan ng mga Bábista, Baháʼí, Mandaean, Indonesiyano at Kristiayanong taga-Malta, at Hudyong Mizrahi.[10][11][12][13] Nagdulot ang kaparehong paggamit ng mga Kristiyano at mga Sikh sa Kanlurang Malaysia ng kontrebersiyang pampolitika at legal.[14][15][16]
↑"Allah". Random House Webster's Unabridged Dictionary (sa Ingles).
↑"Allah". Oxford Learner's Dictionaries (sa wikang Ingles).
↑"God". Islam: Empire of Faith (sa wikang Ingles). PBS. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Marso 2014. Nakuha noong 18 Disyembre 2010.
↑"Islam and Christianity", Encyclopedia of Christianity (2001): Arabic-speaking Christians and Jews also refer to God as Allāh. (sa Ingles)
↑Gardet, L. "Allah". Sa Bearman, P.; Bianquis, Th.; Bosworth, C.E.; van Donzel, E.; Heinrichs, W.P. (mga pat.). Encyclopaedia of Islam Online (sa wikang Ingles). Brill Online. Nakuha noong 2 May 2007.
↑
Zeki Saritoprak (2006). "Allah". Sa Oliver Leaman (pat.). The Qur'an: An Encyclopedia (sa wikang Ingles). Routledge. p. 34. ISBN9780415326391.
↑Vincent J. Cornell (2005). "God: God in Islam". Sa Lindsay Jones (pat.). Encyclopedia of Religion (sa wikang Ingles). Bol. 5 (ika-2nd (na) edisyon). MacMillan Reference USA. p. 724.