Allerleirauh

Ang "Allerleirauh" (Ingles: "All-Kinds-of-Fur", minsan ay isinasalin bilang "Thousandfurs") ay isang fairy tale na naitala ng Brothers Grimm . Mula noong nailathala ang ikalawang edisyon noong 1819, ito ay naitala bilang Kuwento no. 65.[1] Isinama ito ni Andrew Lang sa The Green Fairy Book.[2]

Ito ay Aarne–Thompson kuwentong-pambayang tipo 510B, hindi likas na pag-ibig. Kasama sa iba sa ganitong uri ang "Cap O' Rushes", "Donkeyskin", "Catskin", "Little Cat Skin", "The King who Wished to Marry His Daughter", "The She-Bear", "Mossycoat", "Tattercoats", "The Princess That Wore A Rabbit-Skin Dress", "Katie Woodencloak", and "The Bear".[3] Sa katunayan, pinamagatang "Catskin" ang kuwentong iyon ng ilang tagasalin sa Ingles ng "Allerleirauh" sa kabila ng mga pagkakaiba sa pagitan ng mga kuwentong Aleman at Ingles.[4]

  1. Jacob and Wilheim Grimm, "Allerleirauh Naka-arkibo 2014-11-15 sa Wayback Machine.", Household Tales
  2. Andrew Lang, "Allerleirauh; or, The Many-Furred Creature Naka-arkibo 2020-02-24 sa Wayback Machine.", The Green Fairy Book
  3. Heidi Anne Heiner, "Tales Similar to Donkeyskin Naka-arkibo 2007-02-11 sa Wayback Machine."
  4. Anne Wilson, Traditional Romance and Tale, p 53, D.S. Brewer, Rowman & Littlefield, Ipswitch, 1976, ISBN 0-87471-905-4

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne