Itinatag | 1876 |
---|---|
Lokasyon | Pulo ng mga Museo, Berlin |
Mga koordinado | 52°31′15″N 13°23′53″E / 52.52083°N 13.39806°E |
Uri | Museong pansining |
Pampublikong transportasyon | U: Museumsinsel (Padron:BLNMT-icon) |
Sityo | Alte Nationalgalerie |
Ang Alte Nationalgalerie (lit. na Lumang Pambansang Galeriya) ay isang nakatalang gusali sa Pulo ng mga Museo sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin at bahagi ng Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO. Ito ay itinayo mula 1862 hanggang 1876 sa pamamagitan ng utos ni Haring Federico Guillermo IV ng Prusya ayon sa mga plano nina Friedrich August Stüler at Johann Heinrich Strack sa mga estilong Neoklasiko at Neorenasimyento. Nagtatampok ang hagdan sa labas ng gusali ng isang alaala kay Federico Guillermo IV.[1] Sa kasalukuyan, ang Alte Nationalgalerie ay tahanan ng mga pinta at lilok noong ika-19 na siglo at sumasalubong sa iba't ibang tourist bus araw-araw.[2]