![]() | |
![]() | |
Lokasyon | Pulo ng mga Museo, Berlin |
---|---|
Mga koordinato | 52°31′10″N 13°23′54″E / 52.51944°N 13.39833°E / 52.51944; 13.39833Coordinates: 52°31′10″N 13°23′54″E / 52.51944°N 13.39833°E / 52.51944; 13.39833 |
Daanan mula sa pampublikong transito | U: Museumsinsel (![]() |
Website | Altes Museum |
Ang Altes Museum (Tagalog: Lumang Museo) ay isang nakatalang gusali sa Pulo ng mga Museo sa sentrong pangkasaysayan ng Berlin at bahagi ng Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO. Itinayo mula 1825 hanggang 1830 sa pamamagitan ng utos ni Haring Federico Guillermo III ng Prusya ayon sa mga plano ni Karl Friedrich Schinkel, ito ay itinuturing na isang pangunahing obrang Aleman na arkitekturang Neoklasiko.[1] Napapaligiran ito ng Katedral ng Berlin sa silangan, ng Palasyo ng Berlin sa timog, at ng Zeughaus sa kanluran. Sa kasalukuyan, ang Altes Museum ay tahanan ng Antikensammlung at mga bahagi ng Münzkabinett.[2]