Amado Bagatsing

Amado Bagatsing
Kapanganakan3 Disyembre 1947
  • (Maynila, Kalakhang Maynila, Pilipinas)
MamamayanPilipinas
Trabahopolitiko
Opisinamiyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas (30 Hunyo 2013–30 Hunyo 2016)

Si Amado Sevilla Bagatsing ay isang politiko sa Pilipinas na pinanganak noong 3 Disyembre 1947 sa Sampaloc, Maynila. . Napangasawa niya si Rosario LaO' Bagatsing at mayroon siyang apat na anak. Siya ay nagtapos ng batsilyer sa kursong Business Administration. Bilang miyembro ng kongresista ng 5th Distrito ng Maynila, siya naging kongresista mula 1987-1998, 2007-2016. Si Amado Bagatsing ay anak ng yumaong Mayor ng Maynila na si Ramon Bagatsing at kapatid ng dating kongresista ng 4th District na si Atty. Dondon Bagatsing.

Isa sa mga legasiya niya ay ang pagbuo ng NGO na “Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran” o mas kilalang tawagin na (KABAKA). Sa mahigit kumulang 30-dekada na pagtulong sa Maynila sa aspeto ng medikal, libreng gamot, at pagbigay ng mga bokasyonal na kursong maglalayon magbigay ng trabaho ay may humigit kumulang 150,000 na ang miyembro ng KABAKA sa buong lungsod ng Maynila. Ang KABAKA ay libreng serbisyong medikal at may mga pasilidad gaya ng 2D echo, X-Ray, at ulrasound machines. Lahat ito ay libre at maaring kumunsulta lahat ng miyembro sa kanilang klinik sa Pandacan, Maynila. HIndi lang iyan, dahil mayroon ding programa para sa edukasyon ang KABAKA kung saan lahat ng kurso nito ay aprubado ng TESDA sa ilalim ng KABAKA "Manpower Training and Assessment Center Inc.".

Ngayong paparating na eleksyon 2019, ang Puwersa ng Masang Pilipino (PMP) ni Mayor Joseph Ejercito Estrada at KABAKA ni Amado Bagatsing ay nagkaroon ng kowalisyon. Ang tambalang Mayor Erap at bilang Vice Mayor na si Amado Bagatsing. Ang dalawang magkaalyado ngayong eleksyon ay binuo ang Team Legacy na may katagang "SULONG MAYNILA! MAKIBAKA NA!".

Bilang kongresista ng 5th District ng Maynila ay naging chairman at komite siya ng iba't-ibang ahensya ng gobyerno na nagpatunay ng kahusayan niya bilang isang lingkod bayan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne