![]() | |
Motto | Tulungan ang mga Manggagamot na Matulungan ang mga Pasyente |
---|---|
Pagkakabuo | 1847 |
Uri | asosasyong pampropesyon |
Punong tanggapan | Chicago, Illinois |
Kinaroroonan | |
Kasapihip | 217,490 mula noong 2011[1] |
Wikang opisyal | Ingles |
Pangulo | Robert M. Wah, M.D.[2] |
Mahahalagang tao | Chair Barbara McAnneny, M.D. CEO & EVP James Madara, M.D. |
Ang American Medical Association (AMA), literal na "Amerikanong Medikal na Asosasyon", na itinatag noong 1847 at naging inkorporado noong 1897,[3] ay ang pinaka malaking asosasyon ng mga manggagamot at mga estudyante ng medisina sa Estados Unidos.[4] Nabuo ito sa pamamagitan ng pagpupunyagi ni Nathan Smith Davis, ang "Ama ng American Medical Association". Ang unang pagpupulong ay ginanap sa Philadelphia noong 1847. Ang unang pangulo nito ay si Nathaniel Chapman (1780-1853). Naglathala ang American Medical Association ng mga journal (may tuwing ikalawang taon, buwanan at mayroong lingguhan), katulad ng Journal of the American Medical Association (buwanan), ang American Medical Directory (tuwing ikalawang taon), at ang Quarterly Cumulative Index Medicus, na nagtatala ng pangkasalukuyang mga panitikang pampanggagamot sa mundo.[5]
Ang AMA ang organisadong tinig ng propesyong medikal ng Amerika, na nagpapanatili ng mataas na kalidad ng larangan ng bansa. Dahil sa likas nitong konserbatismo, gumaganap ito bilang isang kapaki-pakinabang na tagasuri ng masyadong maagang mga anunsiyo ng mga pagkakatuklas na terapeutiko. Ang punong-himpilan nito ay nasa Chicago, Illinois.[5]
{{cite journal}}
: |access-date=
requires |url=
(tulong)
{{cite web}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)
{{cite news}}
: Unknown parameter |deadurl=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)