Mga maalamat na nilalang |
Mga maalamat na bayani
|
Mga katutubong relihiyon |
Portada ng Pilipinas |
Ang Anito, o Anitu sa mitolohiyang Pilipino, ay tumutukoy sa mga espiritu ng mga ninuno, espiritu ng mga yumao, masasamang espiritu, at mga kahoy na idolo na kumakatawan o nagsisilbing tahanan ng mga ito. Sa kabilang banda, sa konteksto ng katutubong relihiyon, ang Anito ay may mas malawak na kahulugan. Tumutukoy ito sa mga espiritu ng ninuno, espiritu ng kalikasan, at mga diyos na sinasamba sa katutubong relihiyon ng mga Pilipino mula noong panahon bago dumating ang mga kolonyalista hanggang sa kasalukuyan. Ang partikular na interpretasyon ng termino ay nagkakaiba-iba depende sa pangkat etniko.[1][2][3]
Ang Diwata sa mitolohiyang Pilipino ay tumutukoy sa mga diwata (fairies),lambana, espiritu ng kalikasan, nilalang sa kalangitan, at mga diyos sa mitolohiya. Sa katutubong relihiyon, ang terminong ito ay partikular na naglalarawan ng mga nilalang sa kalangitan at espiritu ng kalikasan na hindi kailanman naging tao. Ang Diwata ay maaaring sumaklaw sa mga espiritu ng mga bagay, halaman, o hayop, hanggang sa mga diyos na kumakatawan sa mga puwersa ng kalikasan o abstraktong konsepto, at maging sa mga diyos at diyosa ng isang panteon.[4][5][6]
Anito ang tawag sa mga inukit at rebulto na mala-tao, ang taotao, na gawa sa kahoy, bato, o garing, na kinakatawan ang mga espiritung ito.[1][7].[8]
Tumutukoy ang pag-anito sa pakikipag-usap sa mga espiritu, na kadalasang sinasamahan ng mga ritwal o pagdiriwang, kung saan umaakto ang isang katalonan (Bisaya: babaylan) bilang isang medyum o tagapamagitan upang makipag-usap ng diretso sa mga espiritu. Kapag partikular na kinakasangkutan ang isang espiritu ng kalikasan o diyos, tinatawag na pagdiwata ang ritwal.[1][9][10]
Tinutukoy minsan ang paniniwala sa anito bilang anitismo (Kastila: anitismo o aniteria) sa panitikang pang-iskolar.[7]
{{cite journal}}
: Check date values in: |date=
(tulong)