Nangangailangan ang dateOktubre 2023 ng karagdagang mga pagsipi o sanggunian para sa pagpapatunay. |
Ang panukat na Geiger o aparatong Geiger (tinatawag ding aparatong Geiger-Müller; Ingles: Geiger counter[1], Geiger-Müller counter, G-M counter) ay isang dosimetrong may kakayahang umalam ng pagkakaroon ng radyason at kakayahang sumukat sa antas ng radyasyong ito. Nilikha ang kasangkapang ito ni Hans Geiger, isang Alemang siyentipiko (1882-1945), at ni Ernest Rutherford noong 1908. Pinainam pa ito ni Walther Müller noong 1928. Napapansin at nababasa ng aparatong ito ang pagkakaroon ng radyasyon sa isang lugar. May ilan ding nakaaalam ng intensidad o lakas ng radyasyon, maging ang anggulo kung saan ito nanggagaling.[1]