Ang Apolohetika (mula sa wikang Griyego na ἀπολογία, "nagsasalita sa pagtatanggol") ang disiplina ng pagtatanggol ng posisyon na kadalasang pang-relihiyon sa pamamagitan ng pangangatwiran.[1] Ang mga manunulat na sinaunang Kristiyano (c. 120–220 CE) na nagtanggol ng kanilang pananampalataya laban sa mga kritiko at nagrekomiyenda ng kanilang pananampalataya sa mga tagalabas ay tinawag na mga apolohista". [2]