Pablo ang Apostol | |
---|---|
![]() | |
Apostle to the Gentiles | |
Ipinanganak | ca. 5 CE[1] in Tarso in Cilicia[2] (south-central Turkey) |
Namatay | c. 67 CE[3][4] probably in Rome[3] |
Benerasyon sa | Karamihan ng kasalukyang mga denonominasyon ng Kristiyanismo |
Pangunahing dambana | Basilica of Saint Paul Outside the Walls |
Kapistahan | Enero 25 (The Conversion of Paul) Pebrero 10 (Feast of Saint Paul's Shipwreck in Malta) Hunyo 29 (Feast of Saints Peter and Paul) Nobyembre 18 (Feast of the dedication of the basilicas of Saints Peter and Paul) |
Katangian | Sword |
Patron | Mga misyon; Mga teologo; Mga hentil |
Si Apostol Pablo o Pablo ng Tarso (Ebreo: פאולוס מתרסוס, Pa’ulus miTarsus) (5 CE–67 CE) ayon sa ilang aklat ng Bagong Tipan ay isang apostol ni Hesus. Ang mga sulat na tradisyonal na itinuturo sa kanya ng mga Kristiyano na tinatawag na mga sulat ni Pablo ay bumubuo ng malaking bahagi ng Bagong Tipan. Gayunpaman, ang marami sa mga sulat ni Pablo ay pinaniniwalaan ng mga modernong skolar na hindi autentiko o peke na ipinangalan lang kay Pablo. Ang mga sulat ni Pablo na nakapasok sa kanon na Katoliko ay tinatanggap ng maraming mga Kristiyano ngayon ngunit hindi lahat ng mga Kristiyano. Ang mga ebionita ay tumakwil sa mga sulat ni Pablo at tumuring kay Pablo na isang impostor na apostol.
Ang Kristiyanismong Paulino ay isang terminong ginagamit ng mga skolar mula pa noong ika-20 siglo upang tukuyin ang isang anyo ng Kristiyanismo na nauugnay sa mga paniniwala at doktrinang itinaguyod ni Pablo sa kanyang mga sinasabing sulat. Ang mga skolar ay nagmungkahi ng iba't ibang mga hibla ng pananaw sa loob ng Sinaunang Kristiyanismo sa mga simulang siglo nito. Ang mga katuruan ni Pablo ay nakita ng marami na iba at sumasalungat sa mga katuruan ni Hesus na nakatala sa mga kanonikal na ebanghelyo gayundin sa Mga Gawa ng mga Apostol at iba pang mga epistula ng Bagong Tipan gaya ng Sulat ni Santiago. Ang mga tagapagtaguyod ng anyong Paulino ng Kristiyanismo ay kinabiblangan ni Marcion ng Sinope na nag-angking si Pablo ang tanging apostol na tamang nakaunawa ng mensahe ng kaligtasan ni Hesus. Salungat dito ang mga pangkat ng Kristiyanismo na tumakwil kay Pablo at sa kanyang mga sulat at katuruan na kinabibilangan ng mga Hudyong-Kristiyano gaya ng mga Ebionita at Nazareno dahil sa kanyang paglihis sa Hudaismo at mga katuruan ng ibang mga apostol. Kanilang itinuring si Pablo na isang natalikod at impostor na apostol. Ayon sa mga skolar gaya nina Hyam Maccoby (1987), Robert Eisenman, James Tabor, Hugh Schonfield (1961) at marami pang iba, ang mga Ebionita ay mas matapat sa mga autentikong mga katuruan ni Hesus at bumubuo ng mga nananaig na mananampalataya ng Herusalem sa mga simulang siglo ng Kristiyanismo bago ang kanilang unti-unting marhinalisasyon ng mga tagasunod ni Pablo.[5][6][7][8][9][10]