![]() | |
Panahon | Sinaunang pilosopiya |
---|---|
Rehiyon | Klasikal na Griyegong pilosopiya |
Eskwela ng pilosopiya | Euclid ng Alexandria Likas na pilosopiya |
Mga pangunahing interes | matematika, pisika, inhinyeriya, astronomiya, invention |
Mga kilalang ideya | hidrostatiks, mga panghikwat[1], mga inpinitesimal |
Si Arkimedes o Archimedes ( /ˌɑːrkᵻˈmiːdiːz/;[2]; Sinaunang Griyego: Ἀρχιμήδης; [ar.kʰi.mɛː.dɛ̂ːs]) ( c. 287 BC – c. 212 BC) ay isang sinaunang Griyegong siyentipiko[3], matematiko, pisiko, inhinyero, astronomo at pilosopo na ipinanganak sa Syracuse. Tinuturing siya ng ilang dalubhasa sa kasaysayan ng matematika bilang isa sa pinakamagaling matematiko sa kasaysayan, at maihahambing kina Newton, Gauss at Euler. Sa agham at imbensiyon, kabilang sa mga natuklasan niya ang kalo. Siya rin ang unang nakapagpaliwanag kung bakit lumulutang (sa likidong tulad ng tubig) ang mga bagay.[3]