Ang ateismo, sa pinakamalawak na diwa, ay ang kawalan ng paniniwala sa pag-iral ng mga diyos.[1][2] Sa di-gaanong kalawakan, ang ateismo ay isang pagtanggi sa paniniwalang mayroong anumang diyos.[3] Sa isang mas istriktong diwa, ang ateismo ay isang partikular na posisyon na walang mga diyos.[4] Ang ateismo ay kabaliktaran ng teismo[5][6] na sa pangkalahatang anyo nito ay isang paniniwalang mayroong kahit isang diyos.[5][7][8]
Sa kasaysayan, ang katibayan ng mga ateistiko na pananaw ay maaaring matanawan pabalik sa klasikal na sinaunang panahon at unang bahagi ng pilosopiyang Indyano. Sa Kanluraning mundo, ang ateismo ay humina nang ang Kristiyanismo ay naging prominente. Ang ika-16 na siglo at ang Panahon ng Kalinawagan ay minarkahan ang muling pagkabuhay ng ateistiko na kaisipan sa Europe. Nakamit ng ateismo ang isang mahalagang posisyon noong ika-20 siglo nang may batas na nagpoprotekta sa kalayaan ng pag-iisip. Ayon sa mga pagtatantya noong 2003, mayroong hindi bababa sa 500 milyong mga ateista sa mundo.[9]
Ipinagtanggol ng mga organisasyong ateista ang awtonomiya ng agham, sekular na etika at sekularismo. Ang mga argumento para sa ateismo ay mula sa pilosopikal hanggang sa panlipunan at pangkasaysayang tugon. Ang mga katuwiran sa di-paniniwala sa mga diyos ay kinabibilangan ng— kakulangan ng ebidensya,[10][11] problema ng kasamaan, argumento mula sa di-magkatugmang mga paghahayag, pagtanggi sa mga konsepto na hindi maaaring maipalsipikado, at argumento mula sa di-paniniwala. Iginigiit ng mga hindi naniniwala na ang ateismo ay isang mas parsimonyang posisyon kaysa sa teismo— at ang lahat ay ipinanganak na walang paniniwala sa mga diyos; samakatuwid, pinaninindigan nila na ang pasanin ng patunay o burden of proof ay wala sa pasanin ng ateista upang pabulaanan ang pagkakaroon ng mga diyos — ngunit nasa teista upang magbigay katuwiran para sa teismo.[12]
(a) the belief that there is no God; (b) Some philosophers have been called "atheistic" because they have not held to a belief in a personal God. Atheism in this sense means "not theistic". The former meaning of the term is a literal rendering. The latter meaning is a less rigorous use of the term though widely current in the history of thought
{{cite book}}
: Check date values in: |year=
(tulong)CS1 maint: year (link) - entrada ni Vergilius FermBelief in a deity, or deities, as opposed to atheism
On our definition, an 'atheist' is a person who rejects belief in God, regardless of whether or not his reason for the rejection is the claim that 'God exists' expresses a false proposition. People frequently adopt an attitude of rejection toward a position for reasons other than that it is a false proposition. It is common among contemporary philosophers, and indeed it was not uncommon in earlier centuries, to reject positions on the ground that they are meaningless. Sometimes, too, a theory is rejected on such grounds as that it is sterile or redundant or capricious, and there are many other considerations which in certain contexts are generally agreed to constitute good grounds for rejecting an assertion
belief in the existence of a god or gods