BB Gandanghari

BB Gandanghari
Kapanganakan
Rustom Cariño Padilla

(1967-09-04) 4 Setyembre 1967 (edad 57)
TrabahoAktor/Aktres/Modelo

Si BB (Binibini) Gandanghari (minsa'y Bebe Gandanghari / Bb. Gandanghari, Gandanghari na pinagdikit na gandang hari (beautiful king)) (ipinanganak na Rustom Cariño-Padilla noong 4 Setyembre 1967) ay isang transekswal na Pilipinang aktres, modelo at nakatatandang kapatid nina Rommel at Robin Padilla at nakababatang kapatid ni Royette Padilla. Si Gandanghari, bilang Padilla, ay mas matatandaan bilang dating aktor ng mga maaksiyong pelikula at isang matinee idol. Di nagtagal matapos niyang ibunyag na siya ay isang transekswal (lalaki->babae)[1] at matapos bumalik mula sa Estados Unidos, pinalitan ni Padilla ang kanyang pangalan ng BeBe/Bb. Gandanghari[2], na pinaikling "Binibining Gandanghari" (lit. Miss Beautifulking), gayundin ang kanyang pisikal na kaanyuan at lahat nang magpapaalala kay Rustom Padilla, alinsunod na rin sa kanyang bagong pagkakakilanlan. Ang pangalang BeBe ay nagmula sa kanyang kasabihang, "Be all that you can be".

  1. Rustom Padilla is now Bebe Gandanghari PEP.Ph
  2. "Good-bye Rustom Padilla, Hello Bebe Gandanghari". ABS-CBN.com. 19 Enero 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-02-23. Nakuha noong 2010-06-26. {{cite news}}: |first= missing |last= (tulong); Missing pipe in: |first= (tulong){{subst:Language icon|tl|Tagalog}}

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne