Lungsod ng Bacoor | ||
---|---|---|
City of Bacoor | ||
| ||
Palayaw: Cavite's Gateway To The Metropolis | ||
Bansag: Bacoor Cityhood, Now Na! | ||
Mapa of Cavite na nagpapakita ng kinaroroonan ng Bacoor | ||
Mga koordinado: 14°27′45″N 120°57′52″E / 14.462422°N 120.964453°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) | |
Lalawigan | Kabite | |
(Mga) Distrito | Ikalawang Distrito ng Cavite (Solong Distrito ng Bacoor) | |
(Mga) Barangay | 73 | |
Isinaganap (bayan) | 28 Setyembre 1671 | |
Isinaganap (lungsod) | 23 Hunyo 2012 | |
Pamahalaan | ||
• Punong Lungsod | Lani Mercado | |
• Pangalawang Punong Lungsod | Catherine Evaristo | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 52.40 km2 (20.23 milya kuwadrado) | |
Populasyon (senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 664,625 | |
• Kapal | 13,000/km2 (33,000/milya kuwadrado) | |
• Kabahayan | 164,263 | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
Kodigo ng lugar | 46 | |
Websayt | www.bacoor.gov.ph |
Ang Lungsod ng Bacoor (o Bakoor) ay isang ika-1 klaseng bahaging lungsod sa lalawigan ng Kabite, Pilipinas. Ito ay solong distritong pambatas ng Cavite. Ang lungsod ay may sukat na 52.4 kilometro kwadrado, na nasa timog silangangan baybayin ng Look ng Maynila, at nasa hilagang kanluran ng lalawigan. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 664,625 sa may 164,263 na kabahayan.
Ang lokasyon nito, sa timog kanluran ng Kalakhang Maynila ay naging mahalaga para sa Bacoor para maging daan patungong Kalakhang Maynila. Ang Bacoor ay isa sa mga lungsod sa Kabite na mabilis ang pag-unlad, kasabay ng Imus at Dasmariñas, dahil na rin sa kanilang lokasyon. Dalawang mall ng SM ang naitayo sa Bakoor. Ang Bacoor din ang nagtala ng pinakamataas na kita para sa isa mag-anak as Kabite noong 1997 at 2000. Mula sa dating agrikultural, ang Bacoor ay nabuo na bilang isang lugar pang-komersyo at isang pangunahing bayang pamahayan sa pinalawak na Mega Manila. Mayo 11 magkakaibang sangay ng mga bangko na matatagpuan sa buong lungsod.