Bagong Mundo

Ang Mapa ng Mundo ni Diogo Ribeiro (1529) na tinatakan ang Kaamerikahan bilang MUNDUS NOVUS. Binabakas nito ang karamihan sa Timog Amerika at ang silangang dalampasigan ng Hilagang Amerika.

Ang Bagong Mundo ay isa sa mga pangalan o katawagan na ginagamit para sa Kanlurang Emisperyo, partikular na ang Kaamerikahan at paminsan-minsan ang Oceania (Australasya). Ang kataga ay nagmula sa ika-15 daantaon, nang ang Amerika ay kamakailan pa lamang natuklasan ng mga manggagalugad mula sa Europa, na nagpalawak sa kalawakan o kalatagang pangheograpiya ng mga tao noong Gitnang Kapanahunan sa Europa, na dating umisip na ang mundo ay binubuo lamang ng Europa, Asya, at Aprika: na tinatawag na sa ngayon na Lumang Mundo bilang isang kalipunan.


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne