Bagyong Auring (2021)

 Bagyong Auring (Dujuan) 
Bagyo (JMA)
Bagyo (Saffir–Simpson)
Nabuo16 Pebrero 2021
Nalusaw22 Pebrero 2021
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 75 km/h (45 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 95 km/h (60 mph)
Bugso: 65 km/h (40 mph)
Pinakamababang presyur996 hPa (mbar); 29.41 inHg
Namatay1
Napinsala$2.7 milyon
ApektadoPilipinas, Palau
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2021

Si Bagyong Auring, kilala rin sa pangalang internasyonal nito na Dujuan, ay isang mahinang bagyong unang nabuo noong 16 Pebrero 2021. Ito ang unang bagyong nabuo sa loob ng Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas para sa panahon ng 2021.[1][2] Tumama ito sa isla ng Batag sa bayan ng Laoang, Hilagang Samar noong 22 Pebrero 2021 bilang isang mahinang depresyon, at tuluyang nalusaw makalipas ng ilang oras.

Bagamat mahina, nagdulot ang bagyo ng pagbaha sa Kabisayaan at Mindanao, lalo na sa lungsod ng Tandag, Surigao del Sur. Ayon sa NDRRMC, di bababa sa 121,000 katao ang naapektuhan ng bagyo. Isa ang naiulat na namatay, habang dalawa naman ang nawawala.

  1. Adiong, Eugene (19 Pebrero 2021). "Negros braces for Typhoon 'Auring'" [Naghahanda ang Negros para sa [pananalasa ng] Bagyong 'Auring']. Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Marso 2022. Nakuha noong 21 Pebrero 2021.
  2. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang DujuanDeaths); $2

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne