Ang bahaghari sa kalikasan.Guhit-larawan ng isang bahaghari.Bahaghari sa ibabaw ng isang disko kompakto.Noah's Thanksoffering (Alay-pasasalamat ni Noe, c.1803) na ginuhit ni Joseph Anton Koch. Nagtayo ng isang dambanang para sa Panginoon si Noe matapos maligtas mula sa Malaking Baha; ipinadala ng Diyos ang bahaghari bilang tanda ng kaniyang tipan. (Genesis 8-9).
Ang kahulugan ng bahaghari ay bahag at hari.
Ang mga bahaghari, bahagsubay o balangaw[1] (Latin: Arcus, Aleman: Regenbogen, Pranses: Arc-en-ciel, Ingles: Rainbow, Kastila: Arco iris) ay mga pulutong ng kulay na nasa anyo ng kalahati o buong bilog. Makikita ang penomeno o likas na kaganapang ito pagkatapos ng pag-ulan, mula sa singaw ng pandilig na may pangwisik, o kaya mula sa singaw-ulap ng isang umaagos na talon. Nabubuo ang bahaghari mula sa sinag ng araw at mga mahalumigmig na ambon sa hangin.[2]