Ang bakuola (Ingles: vacuole) ay isang tinatakdaan ng membranong organelo na makikita sa mga selula ng lahat ng mga halaman, fungi, ilang mga protista, hayop at bakterya. Ang mga bakuola ay napapalibutan ng mga kompartmento(paghahati) na napupuno ng tubig na naglalaman ng mga inorganiko at organikong mga molekula kabilang ang mga ensima sa solusyon, bagaman sa ilang mga kaso, ang mga ito ay naglalaman ng mga solido na nilamon. Ang mga bakuola ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasanib(fusion) ng maraming mga membranong besikulo at sa epekto ay mga malalaking anyo lamang ng mga ito. Ang organelong ito ay walang payak na hugis o sukat. Ang istraktura nito ay iba iba ayon sa pangangailangan ng selula.
Ang tungkulin at kahalagaan ng mga bakuola ay iba-iba ayon sa uri ng selulang kinakikitaan nito. Ito ay may mas malaking kahalagahan sa mga selula ng mga halaman, fungi at ilang mga protista kesa sa mga hayop at bakterya. Sa pangkalahatan, ang mga tungkulin ng bakuola ay kinabibilangan ng:
Paghihiwalay ng mga materyal na maaaring mapanganib o banta sa isang selula
Naglalaman ng mga tinatapong produkto(waste products)
Naglalaman ng tubig sa mga selula ng halaman
Nagpapanatili ng panloob na hydrostatikong presyon o turgor sa loob ng selula