Bangko Nasyonal ng Pilipinas

Bangko Nasyonal ng Pilipinas
Philippine National Bank
UriPubliko (PSEPNB)
IndustriyaPananalapi at Seguro
ItinatagMaynila, Pilipinas (22 Hulyo 1916)
Punong-tanggapanLungsod ng Pasay, Pilipinas
Pangunahing tauhan
Edgar Cua, Tagapangulo
Florido P. Casuela, Pangulo at Punong Opisyal sa Tagapagpaganap
ProduktoSerbisyong pananalapi
Kita sa operasyon
PHP 14.5 bilyon ( 9.06%) (2007)[1]
PHP 1.5 bilyon (82.73%) (2007)[1]
Kabuuang pag-aariPHP 240 bilyon (1.55%) (2007)[1]
Kabuuang equityPHP 26.5 bilyon (15.53%) (2007)[1]
Dami ng empleyado
8,550
Websitewww.pnb.com.ph

Ang Bangko Nasyonal ng Pilipinas (Ingles: Philippine National Bank, dinadaglat bilang PNB)[2] ay isang bangkong panlahatan (universal bank) na nakabase sa Pilipinas. Ito ay na nagbibigay ng saklaw ng pagbabangko at serbisyong pananalapi sa mga korporasyon (corporate), sentrong pamilihan, mga maliliit na negosyo (small-medium enterprises) at mamimiling pantingi, kabilang ang mga manggagawang Pilipino sa ibayong-dagat (overseas Filipino workers), na kasing antas din sa pambansang pamahalaan, mga ahensiya ng pambansang pamahalaan, mga lokal na pamahalaan (local government units) at mga korporasyong may-ari ng pamahalaan sa Pilipinas.

Sentrong Pananalapi ng PNB, ang himpilan ng PNB.

Ang mga pangunahing gawain sa pagbabangkong pangkalakal ng kompanya ay sumasaklaw sa pagtanggap ng lagak o deposito, pautang, kalakalang pampananalapi, pag-aawas sa mga tala ng mga bilihin, serbisyong paglilipat/pagpapadala ng mga salaping pondo, mga operasyong pang-ingatang yaman, at serbisyong pagbabangkong sa tiwala sa pagbabayad ng utang at pantingi. Ang mga gawaing pagbabangko ng PNB ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga sektor pangnegosyo sa loob ng Bangko, kabilang ang pangkat ng pagbabangkong pantingi (Retail Banking Group), pangkat ng pagbabangkong sabansaan at nagpapadala ng mga salapi na nasa ibayong-dagat (Global Filipino Banking Group), pangkat na pangnegosyong pangkaunlaran (Institutional Banking Group), pangkat ng pananalapi para sa mga mamimili (Consumer Finance Group), pangkat na pang-ingatang-yaman (Treasury group), pangkat ng pagbabangko ng mga tiwala sa pagbabayad ng utang (Trust Banking Group), pangkat ng mga tagapamahalang pangremedyo at pagpapautang (Remedial and Credit Management Group) at pangkat ng mga tagapamahala sa pangangari (Special Assets Management Group).

Sa kasalukuyan, ang PNB ay may mahigit na 100 sangay sa dako ng Asya, Europa, Gitnang Silangan at Hilagang Amerika.

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "PNB Annual Report 2007" (PDF). Philippine National Bank. Nakuha noong 2008-09-24.[patay na link]
  2. Enaño, Ray S. (5 Abril 1990). "PNOC isasapribado". Diyaryo Filipino. Nova Communications, Inc. p. 5. Sinabi ni Estanislao na isasapribado ang PNOC nang katulad din sa Bangko Nasyonal ng Pilipinas (Philippine National Bank, PNB) nang ialok sa publiko ang 30 porsiyento ng mga sapi nito noong nagdaang Mayo. {{cite news}}: |access-date= requires |url= (tulong)

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne