Sa diperensiyal na heometriya, ang baryedad na sudo-Riemanniyana o tinatawag ding baryedad na sudo-Riemanniyana ay ang heneralisasyon(paglalahat) ng isang manipoldong Riemannian. Ito ay ipinangalan sa matematikong si Bernhard Riemann. Ang mahalagang pagkakaiba ng isang manipoldong Riemannian at isang baryedad na sudo-Riemanniyana ay sa baryedad na sudo-Riemanniyana, ang metrikong tensor ay hindi kinakailangang positibo-depinido. Imbis nito, ang isang mahinang kondisyon ng hindi pagiging dehenerado(nondegeneracy) ay itinatakda.