Bawang

Bawang
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Monocots
Orden: Asparagales
Pamilya: Amaryllidaceae
Subpamilya: Allioideae
Sari: Allium
Espesye:
A. sativum
Pangalang binomial
Allium sativum

Ang bawang (Ingles: garlic) o Allium sativum (L.) ay isang uri ng halamang gulay na ginagamit sa pagluluto.[1] Isa itong uri ng sibuyas[kailangang tiyakin] na nasa pamilyang Alliaceae. Kalapit na kamag-anak nito ang mga sibuyas. Ginagamit na ito sa kabuoan ng kasaysayang nakatala, partikular na sa pagluluto at panggagamot. Mayroon itong maanghang na amoy o lasang nakapagpapabanayad at nakapagpapatamis sa mga lutuin.[2]. Nahahati ang mga kumpol nito sa mga malalamang mga butil (bahaging karaniwang ginagamit). Ginagamit ang mga butil bilang buto, pagkain (hilaw o luto), at para sa panggagamot. Nakakain din ang mga dahon, sanga o tangkay, bulaklak sa ulo at kalimitang kinakain kapag mura at malambot pa. Ang tila mga papel na balot o balat at mga ugat na nakadikit sa mga kumpol ang mga natatanging bahaging hindi nakakain. Nagmumula ang matapang na amoy ng bawang sa nilalaman nitong kompawnd na may sulpur.[3]

  1. English, Leo James, Diksiyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
  2. Gernot Katzer (2005-02-23). "Spice Pages: Garlic (Allium sativum, garlick)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-01-27. Nakuha noong 2007-08-28.
  3. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang CMH); $2

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne