Ang bena, gisok, o bitak ay ang ugat sa katawan na daluyan ng dugong pabalik sa puso. Ito rin ang daluyang ugat na may dalang mga duming produkto ng katawan at may taglay na dioksidong karbono.[1] Sa medisina, binibigyang kahulugan ito bilang isang tubo o mga tubong nagdadala ng dugo mula sa lahat ng mga bahagi ng katawan papunta sa puso.[2]