Berlin

Berlin
Kabeserang lungsod, Estado, at munisipalidad
Berlin
Watawat ng Berlin
Watawat
Eskudo de armas ng Berlin
Eskudo de armas
Map
Berlin is located in Germany
Berlin
Berlin
Kinaroroonan sa Alemanya
Berlin is located in Europe
Berlin
Berlin
Berlin (Europe)
Mga koordinado: 52°31′12″N 13°24′18″E / 52.52000°N 13.40500°E / 52.52000; 13.40500
BansaAlemanya
EstadoBerlin
Pamahalaan
 • KonsehoAbgeordnetenhaus ng Berlin
 • Namumunong AlkaldeFranziska Giffey (SPD)
Lawak
 • Lungsod/Estado891.7 km2 (344.3 milya kuwadrado)
Taas
34 m (112 tal)
Populasyon
 (Disyembre 31, 2020)[2]
 • Lungsod/Estado3,769,495
 • Urban4,473,101
 • Metro6,144,600
mga demonymBerlines
Berliner (m), Berlinerin (f) (Aleman)
Sona ng orasUTC+01:00 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+02:00 (CEST)
Kodigo ng lugar030
GeocodeNUTS Region: DE3
Kodigo ng ISO 3166DE-BE
Plaka ng sasakyanB[pananda 1]
GRP (nominal)€155 billion (2020)[5]
GRP kada tao€41,000 (2020)
GeoTLD.berlin
HDI (2018)0.964[6]
very high · 2nd of 16
Websaytberlin.de/en/

Ang Berlin ay ang kabesera ng Alemanya. May 3.7 milyong naninirahan, ito ang pinakamalaking lungsod sa bansa ayon sa lugar at populasyon,[7][8] at ang pinakamalaking lungsod ayon sa populasyon sa buong Unyong Europeo, ayon sa populasyon sa loob ng mga limitasyon ng lungsod.[2] Isa sa labing-anim na kinabibilangang estado ng Alemanya, ang Berlin ay napalilibutan ng Estado ng Brandeburgo at kadugtong ng Potsdam, ang kabesera ng Brandeburgo. Ang urbanong pook ng Berlin, na may populasyon na humigit-kumulang 4.5 milyon, ay ang pangalawang pinakamataong urbanong pook sa Alemanya pagkatapos ng Ruhr. Ang kabeserang rehiyon ng Berlin-Brandeburgo ay may humigit-kumulang 6.2 milyong mga naninirahan at ito ang ikatlong pinakamalaking kalakhang rehiyon ng Alemanya pagkatapos ng mga rehiyon ng Rin-Ruhr at Rin-Meno.[9] Nagkaroon ng bigong pagtatangkang pag-isahin ang parehong estado noong 1996, at sa kabila ng nananatiling hiwalay, ang dalawang estado ay nagtutulungan sa maraming kalakaran hanggang ngayon.

Ang Berlin ay tumatawid sa pampang ng Spree, na dumadaloy sa Havel (isang tributaryo ng Elbe) sa kanlurang boro ng Spandau. Kabilang sa mga pangunahing topograpikong tampok ng lungsod ay ang maraming lawa sa kanluran at timog-silangan na mga boro na nabuo ng Spree, Havel, at Dahme, na ang pinakamalaki ay ang Lawa Müggelsee. Dahil sa lokasyon nito sa Kapatagang Europeo, ang Berlin ay naiimpluwensiyahan ng isang banayad na pana-panahong klima. Halos sangkatlo ng lugar ng lungsod ay binubuo ng mga kagubatan, liwasan, hardin, ilog, kanal, at lawa.[10] Ang lungsod ay nasa lugar ng diyalektong Gitnang Aleman; ang diyalekto ng Berlin ay isang varyant ng mga diyalektong Lausitzisch-Neumärkisch.

Unang naidokumento noong ika-13 siglo at sa pagtawid ng dalawang mahalagang makasaysayang rutang pangkalakalan,[11] ang Berlin ay naging kabesera ng Margrabyato ng Brandeburgo (1417 – 1701), ng Kaharian ng Prusya (1701–1918), ng Imperyong Aleman (1871). –1918), ng Republikang Weimar (1919–1933), at ng Alemanyang Nazi (1933–1945). Ang Berlin noong dekada '20 ay ang ikatlong pinakamalaking munisipalidad sa mundo.[12] Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang kasunod na pananakop nito ng mga matagumpay na bansa, nahati ang lungsod; ang Kanlurang Berlin ay naging isang de facto na eksklabo ng Kanlurang Alemanya, na napapalibutan ng Pader ng Berlin (mula Agosto 1961 hanggang Nobyembre 1989) at ng teritoryo ng Silangang Aleman.[13] Ang Silangang Berlin ay idineklara na kabesera ng Silangang Alemanya, habang ang Bonn ay naging kabesera ng Kanlurang Alemanya. Kasunod ng muling pag-iisa ng Alemanya noong 1990, ang Berlin ay muling naging kabesera ng buong Alemanya.

Ang Berlin ay isang pandaigdigang lungsod ng kultura, politika, media, at agham.[14][15][16][17] Nakabatay ang ekonomiya nito sa mga high-tech na kompanya at sektor ng serbisyo, na sumasaklaw sa magkakaibang hanay ng mga malikhaing industriya, pasilidad ng pananaliksik, mga korporasyon ng media at mga pinagdadausang pangkumbensiyon.[18][19] Ang Berlin ay nagsisilbing isang kontinental na pusod para sa trapiko sa himpapawid at tren at may napakakomplikadong ugnayan ng pampublikong transportasyon. Ang metropolis ay isang sikat na destinasyong panturista.[20] Kabilang din sa mga makabuluhang industriya ang IT, mga parmasyutiko, inhinyeriyang biyomedikal, malinis na teknolohiya, biyoteknolohiya, konstruksiyon, at electronika.

Ang Berlin ay tahanan ng mga unibersidad na kilala sa buong mundo gaya ng Pamantasang Humboldt, Pamantasang Teknikal, Malayang Unibersidad, Pamantasan ng mga Sining, ESMT Berlin, Paaralang Hertie, at Kolehiyong Bard ng Berlin. Ang Zoolohikong Hardin nito ay ang pinakabinibisitang zoo sa Europa at isa sa pinakasikat sa buong mundo. Dahil ang Babelsberg ang kauna-unahang malakihang estudyong pampelikulang complex sa mundo, ang Berlin ay isang lalong sikat na lokasyon para sa mga pandaigdigang paggawa ng pelikula.[21] Kilala ang lungsod sa mga pagdiriwang, magkakaibang arkitektura, nightlife, kontemporaneong sining at napakataas na kaledad ng pamumuhay.[22] Mula noong dekada 2000, saksi ang Berlin sa paglitaw ng isang kosmopolitang eksenang entrepreneurship.[23]

Nagtataglay ang Berlin ng tatlong Pandaigdigang Pamanang Pook: Pulo ng mga Museo, ang mga Palasyo at Liwasan ng Potsdam at Berlin, at ang mga Modernismong Pabahay ng Berlin.[24] Kabilang sa iba pang mga tanawin ang Tarangkahang Brandeburgo, ang gusaling Reichstag, ang Potsdamer Platz, ang Alaala sa mga Pinaslang na Hudyo ng Europa, ang Alaala ng Pader ng Berlin, ang Galeriya ng Silangang Bahagi, ang Haligi ng Tagumpay sa Berlin, ang Katedral ng Berlin, at ang Toreng Pantelebisyon ng Berlin, ang pinakamataas na estruktura sa Alemanya. Maraming museo, galeriya, aklatan, orkestra, at mga pinagdadausan ng sports ang Berlin. Kabilang dito ang Altes Museum, ang Lumang Pamabansang Galeriya, ang Museong Bode, ang Museo Pergamo, ang Museuong Pangkasaysayang Aleman, ang Museong Hudyo Berlin, ang Museo ng Likas na Kasaysayan, ang Foro Humboldt, ang Aklatang Estatal ng Berlin, ang Opera Estatal ng Berlin, ang Filarmonika ng Berlin, at ang Maraton ng Berlin.

  1. "Amt für Statistik Berlin Brandenburg – Statistiken". Amt für Statistik Berlin-Brandenburg (sa wikang Aleman). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 March 2021. Nakuha noong 2 May 2019.
  2. 2.0 2.1 "Statistischer Bericht: Einwohnerinnen und Einwohner im Land Berlin am 31. Dezember 2019" [Statistical Report: Residents in the state of Berlin on 31 December 2019] (PDF). Amt für Statistik Berlin-Brandenburg (sa wikang Aleman). pp. 4, 10, 13, 18–22. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 23 February 2020. Nakuha noong 8 April 2020.
  3. citypopulation.de quoting Federal Statistics Office. "Germany: Urban Areas". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-06-03. Nakuha noong 2021-01-28.
  4. "Bevölkerungsanstieg in Berlin und Brandenburg mit nachlassender Dynamik" (PDF). statistik-berlin-brandenburg.de. Amt für Statistik Berlin-Brandenburg. 8 February 2019. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 27 August 2021. Nakuha noong 24 November 2019.
  5. "Bruttoinlandsprodukt – in jeweiligen Preisen – 1991 bis 2020". www.statistikportal.de. Inarkibo mula sa orihinal noong 1 April 2021. Nakuha noong 1 April 2021.
  6. "Sub-national HDI – Area Database – Global Data Lab". hdi.globaldatalab.org (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 23 September 2018. Nakuha noong 13 September 2018.
  7. Milbradt, Friederike (6 February 2019). "Deutschland: Die größten Städte". Die Zeit (Magazin) (sa wikang Aleman). Hamburg. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 February 2019. Nakuha noong 24 November 2019.
  8. "Leipzig überholt bei Einwohnerzahl Dortmund – jetzt Platz 8 in Deutschland". Leipziger Volkszeitung (sa wikang Aleman). Leipzig. 1 August 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 November 2019. Nakuha noong 24 November 2019.
  9. "Daten und Fakten zur Hauptstadtregion". www.berlin-brandenburg.de. 4 October 2016. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 March 2019. Nakuha noong 13 April 2022.
  10. Senatsverwaltung für Umwelt, Verkehr und Klimaschutz Berlin, Referat Freiraumplanung und Stadtgrün. "Anteil öffentlicher Grünflächen in Berlin" (PDF). Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 25 February 2021. Nakuha noong 2020-01-10.{{cite web}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  11. "Niederlagsrecht" [Settlement rights] (sa wikang Aleman). Verein für die Geschichte Berlins. August 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 November 2015. Nakuha noong 21 November 2015.
  12. "Topographies of Class: Modern Architecture and Mass Society in Weimar Berlin (Social History, Popular Culture and Politics in Germany)". www.h-net.org. September 2009. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 July 2018. Nakuha noong 9 October 2009.
  13. "Berlin Wall". Encyclopædia Britannica. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 June 2008. Nakuha noong 18 August 2008.
  14. "Berlin – Capital of Germany". German Embassy in Washington. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 January 2012. Nakuha noong 18 August 2008.
  15. Davies, Catriona (10 April 2010). "Revealed: Cities that rule the world – and those on the rise". CNN. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 June 2011. Nakuha noong 11 April 2010.
  16. Sifton, Sam (31 December 1969). "Berlin, the big canvas". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 April 2013. Nakuha noong 18 August 2008.
  17. "Global Power City Index 2009" (PDF). Institute for Urban Strategies at the Mori Memorial Foundation. 22 October 2009. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 29 June 2014. Nakuha noong 29 October 2009.
  18. "ICCA publishes top 20 country and city rankings 2007". ICCA. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 September 2008. Nakuha noong 18 August 2008.
  19. "Berlin City of Design" (Nilabas sa mamamahayag). UNESCO. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 August 2008. Nakuha noong 18 August 2008.
  20. "Berlin Beats Rome as Tourist Attraction as Hordes Descend". Bloomberg L.P. 4 September 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 September 2014. Nakuha noong 11 September 2014.
  21. "Hollywood Helps Revive Berlin's Former Movie Glory". Deutsche Welle. 9 August 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 13 August 2008. Nakuha noong 18 August 2008.
  22. Flint, Sunshine (12 December 2004). "The Club Scene, on the Edge". The New York Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 April 2013. Nakuha noong 18 August 2008.
  23. "Young Israelis are Flocking to Berlin". Newsweek. 13 June 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 August 2014. Nakuha noong 28 August 2014.
  24. "World Heritage Site Museumsinsel". UNESCO. Inarkibo mula sa orihinal noong 6 May 2021. Nakuha noong 6 May 2021.


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "pananda", pero walang nakitang <references group="pananda"/> tag para rito); $2


From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne