Ang rosch, puntero, dais, o dado[1] (Ingles: die [isahan, bigkas: /day/], dice [maramihan, bigkas: /days/][2], mula lumang Pranses na dé, mula sa Latin na datum "isang bagay na binigay o nilaro"[3]) ay mga bagay na ginagamit sa mga laro kapag kailangang alisaga (Ingles: random) o naaayon sa pagkakataon o tsansa ang kinakailangang gawin. Karamihan sa mga betu-beto ang hugis maliit na kubong may mga bilang na 1, 2, 3, 4, 5 at 6 sa ibabaw ng kanilang mga mukha. Kung minsan, mayroon ding mga betu-betong ginagawa na may ibang hugis, bukod sa pagiging kubo, ngunit pangkaraniwang sa mga kakaibang hugis ang may anim na gilid. Karaniwang pinapagulong ng kamay ng manlalaro ang isang betu-beto.
Dahil ginagamit para ito sa mga alisagang bilang o ibang mga simbolo, ginagawa nitong angkop ang betu-beto bilang kagamitan para sa sugal o gamitin sa mga laro sa mesa na hindi pang-sugal.