Bigat ng molar

Bigat molar
Isang diagram na naghahambing ng mole at molar mass ng bakal at ginto sample na may magkaparehong masa
Mga kadalasang simbulo
M
Yunit SIkg/mol
Ibang yunit
g/mol
DimensiyonM N−1

Sa kimika, ang bigat ng molar M ay isang pisikal na katangian. Ito ay ang bigat ng isang binigay na sabstans (elementong kemikal o kompuwestong kemikal) na hinahati sa taglay na sabstans.[1] Ang batayang yunit SI para sa bigat ng molar ay kg/mol. Subalit, kadalasang ginagamit ang g/mol bilang ekspresyon ng bigat ng molar.

Halimbawa, ang bigat ng molar ng tubig ay: M(H2O) ≈ 18 g/mol.

  1. International Union of Pure and Applied Chemistry (1993). Quantities, Units and Symbols in Physical Chemistry, 2nd edition, Oxford: Blackwell Science. ISBN 0-632-03583-8. p. 41. Electronic version.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne