Ang bihud[1] (Ingles: roe, fish eggs, hard roe) ay ang ganap nang hinog na masa ng mga itlog ng mga isda at ng ilang mga hayop-dagat tulad ng mga salungo , hipon, at tipay. Ito rin ang tawag sa obaryo ng isda, alimango, sugpo, o ulang na puno ng itlog.[2] Bilang pagkaing-dagat, ginagamit itong luto na sa mararaming ulam bilang sangkap. Ginagamit din itong hilaw. Kabyar (Ingles: caviar) ang termino para sa bihud na tinimplahan, inasnan, o pinasarap na mga itlog ng isda,[2] na kinakain bilang delikasiya. Ang malambot na bihud (soft roe), na tinatawag ding puting bihud (white roe), ang pluwidong seminal ng isdang lalaki.
Tumutukoy din ang salitang aligi o alige sa itlog o obaryo ng mga alimasag, alimango, hipon at alupihang dagat, o panloob na bahagi ng katawan ng mga hayop-tubig na ito, ngunit mas partikular na sa mga taba ng mga ito.[3][4]