Bolonia Bologna (Italyano) | ||
---|---|---|
Comune di Bologna | ||
![]() Paikot sa kanan mula sa itaas: panorama ng Bolonia at ng mga nakapalibot na burol, Basilika ng San Petronio, Unibersidad ng Bolonia, Bukal ni Neptuno, Santuwaryo ng Madonna di San Luca, Toreng Unipol at ang Dalawang Tore | ||
| ||
Mga koordinado: 44°29′38″N 11°20′34″E / 44.49389°N 11.34278°E | ||
Country | ![]() | |
Rehiyon | Emilia-Romagna | |
Metro | Bolonia (BO) | |
Pamahalaan | ||
• Konseho | Konsehong Panlungsod ng Bolonia | |
• Mayor | Virginio Merola (PD) | |
Lawak | ||
• Comune | 140.86 km2 (54.39 milya kuwadrado) | |
Taas | 54 m (177 tal) | |
Populasyon (31 Disyembre 2019)[2] | ||
• Comune | 390,625 | |
• Kapal | 2,800/km2 (7,200/milya kuwadrado) | |
• Metro | 1,017,196 | |
Demonym | Bolognese | |
Kodigo ng lugar | 0039 051 | |
Websayt | [1] |
Ang Bolonia o Bologna (pagbigkas sa wikang Italyano: [boˈloɲɲa]; Boloñesa: Bulåggna buˈlʌɲːa; Latin: Bonōnia) ay ang kabesera at ang pinakamalaking lungsod ng rehiyon ng Emilia-Romagna sa Hilagang Italya. Ito ang ikapitong pinakamataong lungsod sa Italya na may halos 390,000 na naninirahan at 150 magkakaibang nasyonalidad.[4] Ang metropolitanong sakop nito ay tahanan ng higit sa 1,000,000 katao.[5]
Ang Bolonia ay isang mahalagang sentro sa agrkcultural, industriyal, pinansiya, at transportasyon, kung saan maraming malalaking kompanya ng makina, elektroniko, at pagkain ang may kanilang punong-tanggapan pati na rin ang isa sa pinakamalaking permanenteng pista ng kalakalan sa Europa. Ayon sa pinakahuling datos na nakalap ng European Regional Economic Growth Index (E-REGI) ng 2009, ang Bolonia ay ang unang lungsod ng Italya at ang ika-47 na lungsod sa Europa sa mga tuntunin ng tantos ng paglago ng ekonomiya nito.[6] Bilang kinahinatnan, ang Bolonia ay isa rin sa mga pinakamayayamang lungsod sa Italya, kadalasang naranggo bilang isa sa mga nangungunang lungsod sa mga tuntunin ng kaledad ng buhay sa bansa; noong 2020, ito ay nagraranggo sa ika-1 sa 107 mga lalawigang Italyano.[7]
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)