Bongbong Marcos

Kagalang-galang

Bongbong Marcos
Si Bongbong noong 2022
Ika-17 na Pangulo ng Pilipinas
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
30 Hunyo 2022
Pangalawang PanguloSara Z. Duterte-Carpio
Nakaraang sinundanRodrigo Duterte
Senador ng Pilipinas
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2010 – Hunyo 30, 2016
Kasapi ng
Kapulungan ng Kinatawan ng Pilipinas
mula sa ikalawang distrito ng llocos Norte
Nasa puwesto
Hunyo 30, 2007 – Hunyo 30, 2010
Nakaraang sinundanImee Marcos
Sinundan niImelda Marcos
Nasa puwesto
Hunyo 30, 1992 – Hunyo 30, 1995
Nakaraang sinundanMariano Nalupta Jr.
Sinundan niSimeon Valdez
Gobernador ng Ilocos Norte
Nasa puwesto
Hunyo 30, 1998 – Hunyo 30, 2007
Nakaraang sinundanRodolfo Fariñas
Sinundan niMichael Marcos Keon
Nasa puwesto
1983–1986
Nakaraang sinundanElizabeth Keon
Sinundan niCastor Raval (OIC)
Bise Gobernador ng Ilocos Norte
Nasa puwesto
1980–1983
Personal na detalye
Isinilang
Ferdinand Romualdez Marcos Jr.

(1957-09-13) 13 Setyembre 1957 (edad 67)
Maynila, Pilipinas
Partidong pampolitikaPFP (2021–present)
Nacionalista (2009–2021)
Kilusang Bagong Lipunan (1980–2009)
AsawaLouise Araneta (k. 1993)[1]
Anak3
MagulangFerdinand Marcos Sr.
Imelda Marcos
KaanakMarcos family
Romualdez family
Pirma
WebsitioOfficial website
YouTube information
ChannelsBongbong Marcos
Genre(s)News, Vlogs
Subscribers1.74 million
Total views78.6 million
100,000 subscribers2020
1,000,000 subscribers2021

Last updated: January 8, 2022

Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos, Jr. (ipinanganak noong Setyembre 13, 1957) ay isang Pilipinong pulitiko na kasalakuyang naninilbihan bílang ika-17 na Pangulo ng Pilipinas. Siya ay dating nanungkulan bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang ikalawa at ang tanging lalaking anak ng dating Pangulo at Diktador na si Ferdinand Marcos Sr. at ang dating Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Romualdez Marcos.

Taong 1980, tumakbo ang 23-taong-gulang na itong si Marcos Jr. bilang kandidato sa pagka-Bise Gobernador ng Ilocos Norte nang walang kalaban at nanalo, sa ilalim ng partidong Kilusang Bagong Lipunan ng kanyang amang namumuno sa buong Pilipinas sa ilalim ng batas militar noong panahong iyon. Kinalaunan, naging Gobernador siya ng Ilocos Norte noong 1983 at nanatili sa opisina hanggang mapatalsik ng Himagsikan ng Lakas ng Bayan ang kanilang pamilya mula sa kapangyarihan at lumipad papuntang Hawaii sa pagkakapatapon noong Pebrero 1986.

Pagkamatay ng kaniyang ama noong 1989, hinayaan ni Pangulong Corazon Aquino na umuwi ng Pilipinas ang nalalabi sa pamilya Marcos upang humarap sa ilang demanda.

Pagsapit ng taong 1992, nahalal at naupo siya bilang Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Ilocos Norte hanggang 1995, at muling siyang nahalal noong 2007 hanggang 2010. Sa pagitan ng pagtatapos ng kaniyang termino noong 1995 at pagsisimula ng isa pang termino noong 2007, nanungkulan siyang muli bilang Gobernador ng Ilocos Norte na kaniyang tinakbuhan at napaghahalan. Taong 2010 rin siya nahalal bilang Senador ng Pilipinas sa ilalim ng Partidong Nacionalista at naupo hanggang 2016.

Noong 2015, tumakbo si Marcos para sa pagka-Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong Halalan 2016. Sa pagkakaibang 263473 boto, 0.67 bahagdan, natalo si Marcos Jr. ng kinatawan ng Camarines Sur na si Leni Robredo. Bilang tugon, nagsampa si Marcos ng protestang elektoral sa Presidential Electoral Tribunal na naglalaman ng mga akusasyon ng mga pandaraya. Taong 2021, napagsang-ayunang ibara ang petisyon ni Marcos matapos ang isinagawang pilotong muling pagbibilang sa mga piling lalawigan ng Negros Oriental, Iloilo, at Camarines Sur na nagresulta pa ng pagdagdag pa nga ng 15093 boto sa lamang ni Robredo. Kinalaunan nang taong iyon, isinapubliko ni Marcos ang kandidatura niya para sa pagka-Pangulo ng Pilipinas sa Halalan 2022.

  1. "Bongbong takes a bride". Manila Standard. Kamahalan Publishing Corp. April 19, 1993. p. 4. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 9, 2021. Nakuha noong October 10, 2021. Rep. Ferdinand (Bongbong) Marcos II wed his fiancee, Louise 'Lisa' Araneta Saturday [April 17] at the Church of St. Francis in Siesole [sic], Italy.

From Wikipedia, the free encyclopedia · View on Wikipedia

Developed by Nelliwinne