Bonifacio Global City | |
---|---|
Mula kaliwa pakanan: Tanaw-langit, Burgos Circle sa Forbes Town Center, St. Luke's Medical Center, Market! Market!, Bonifacio High Street, Pamilihang Sapi ng Pilipinas, Track 30th Park, Central Square, 3D LED Billboard sa High Street | |
Mga palayaw: BGC Global City Fort Bonifacio Global City The Fort | |
![]() Bonifacio Global City sa loob ng Taguig | |
Mga koordinado: 14°33′02.9″N 121°3′3.5″E / 14.550806°N 121.050972°E | |
Country | Pilipinas |
Region | Pambansang Rehiyong Kapital |
City | Taguig |
Barangay | Fort Bonifacio |
Ipinangalan kay (sa) | Andrés Bonifacio |
Taas | 16.0 m (52.5 tal) |
Pinakamataas na pook | 40 m (130 tal) |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) |
Zip code | 1635[2] |
Kodigo ng lugar | 2 |
Websayt | bgc.com.ph |
Ang Bonifacio Global City (lit. "Pandaigdigang Lungsod ng Bonifacio", kilala rin bilang BGC, Global City, o The Fort) ay isang distrito ng pananalapi at negosyo sa Taguig, Kalakhang Maynila, Pilipinas. Matatagpuan ito 11 kilometro (6.8 mi) timog-silangan ng kabisera, Maynila. Umunlad ang distrito matapos mabenta ang isang 440 ha (1,100 akre) base militar sa Fort Bonifacio ng Pangasiwaan sa Pangkaunlarang Kumbersiyon ng mga Base o BCDA. Ang buong distrito ay dating bahagi ng pangunahing kampo ng Hukbong Katihan ng Pilipinas.[3]
Bahagi ang Bonifacio Global City ng Fort Bonifacio, isang barangay sa Taguig. Bago ang paglikha ng naturang barangay noong 2008, naging bahagi ito ng barangay Ususan.
Dati, inangkin din ito ng Makati bilang bahagi ng mga barangay nito Post Proper Northside at Post Proper Southside, kapwa bahagi ng mga barangay Embo na kalaunan ay inilipat sa Taguig noong 2023. Inaangkin din ng Pateros ang pook bilang bahagi ng teritoryo nito.
Noong Pebrero 7, 1995, sinimulan ng Bonifacio Land Corporation (BLC) ang pagplano ng maunlad na lunsod—Bonifacio Global City. Nanalo sa bidding ang BLC para maging kasosyo ng BCDA sa pagpapaunlad ng distrito. Sa pamamagitan ng Ayala Land, Inc., at Evergreen Holdings, Inc. ng Pangkat Campos, bumili ang Ayala Corporation ng controlling stake sa BLC mula sa Metro Pacific noong 2003. Kinokontrol na ngayon ng BCDA at ang dalawang kompanya ang Fort Bonifacio Development Corporation, na nangangasiwa sa pagpaplano ng Bonifacio Global City.
Fort Bonifacio Global City, isang pangunahing sentro ng lungsod na hindi lang makakalaban sa kalapit na Mikati, ang pusturiyosong distrito ng negosyo ng Maynila, ngunit tatayo sa entablado ng mundo, hinahangaan mula sa malayo ng mga taga-Paris, taga-New York, at taga-London. (Isinalin mula sa Ingles)