Ang Borneo (pinaghahatiang pampolitika ng Indonesia, Malaysia at Brunei) ang ikatlong pinakamalaking pulo sa daigdig. May sukat itong 748,168 km² (288,869 mi²), at nasa pusod ng kapuluang Malay at Indonesia. Ang Borneo ay bahagi ng heograpikong rehiyon ng Timog-silangang Asya.