Brahmagupta | |
---|---|
Kapanganakan | c. 598 CE |
Kamatayan | c. 668 CE (edad c. 69–70) |
Kilala sa |
|
Karera sa agham | |
Larangan | Astronomiya, matematika |
Ang Brahmagupta (c. 598 – c. 668 CE) ay isang matematiko at astronomo mula sa Indiya. Siya ang may-akda ng dalawang maagang gawa sa matematika at astronomiya: ang Brāhmasphuṭasiddhānta (BSS, "tama na itinatag ang doktrina ng Brahma", na may petsang 628), isang teoretikal na sanaysay, at ang Khandakhadyaka ("nakakain sa kagat", na may petsang 665), isang mas praktikal na teksto.
Noong 628 CE, unang inilarawan ni Brahmagupta ang grabidad bilang isang puwersang atraksyon, at ginamit ang terminong "gurutvākarṣaṇam (गुरुत्वाकर्षणम्)" sa Sanskrito upang ilarawan ito.[1][2] Binigay din sa kanya ang kredito sa unang malinaw na paglalarawan ng pormulng kuwadratiko (ang solusyon ng ekwasyong kuwadratiko) sa kanyang pangunahing gawa, ang Brāhma-sphuṭa-siddhānta.